February 11, 2025

Home BALITA National

3 weather systems, magpapaulan sa bansa – PAGASA

3 weather systems, magpapaulan sa bansa – PAGASA
(Courtesy: PAGASA/website)

Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang weather systems na northeast monsoon o amihan, shear line, at easterlies sa bansa ngayong Lunes, Pebrero 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang shear line—na tumutukoy sa linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin—ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, at Aurora.

Maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Caraga dulot ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Inaasahan namang magdadala northeast monsoon o malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at mga natitirang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.

National

Akbayan, kinondena isiniwalat ni SP Chiz na pagkatapos ng SONA lilitisin impeachment vs VP Sara

Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan ding magdadala ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa mga natitirang bahagi ng Luzon. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng easterlies. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).