April 24, 2026

Home BALITA

Holdaper, nagdasal muna bago nandekwat

Holdaper, nagdasal muna bago nandekwat
Photo courtesy: Contributed photo


Tila ba nanghingi na kaagad ng tawad sa Diyos ang isang holdaper matapos mag-sign of the cross bago gawin ang isang panghoholdap.

Ayon sa mga ulat, ang lalaking suspek ay nangholdap ng isang Indian national sa isang eskinita sa Bagong Silang Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Inabangan niya ang biktima sa nabanggit na eskinita, na maniningil lamang daw ng utang sa ilang mga residente sa lugar.

Nagawang manakaw ng suspek mula sa biktima ang halagang ₱5,000, matapos niya itong tutukan ng kutsilyo.

Palakad at walang kaba-kabang sumibat ang suspek matapos ang insidente, na para bang walang nangyari.

Internasyonal

Trump, itinangging gagamit sila ng nuclear weapon kontra Iran!



Hindi naman na nagsampa pa ng kaso ang biktima, ngunit patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad ang holdaper.