Kamakailan lamang, isang “out of this world” na kasaysayan ang naitala ng Artemis II matapos nilang matagumpay na abutin ang kanilang misyong masaksihan kung ano nga ba ang nasa kabilang bahagi ng buwan—na kahit kailan ay hindi pa natutunghayan ng sangkatauhan sa buong daigdig.
Sa isinagawang space navigation ng Artemis II, lulan ng Orion capsule, natalbugan din nila ang record ng Apollo 13 noong taong 1970, kung ang pag-uusapan lang naman ay ang layo ng kanilang napuntahan.
Nakapagtala ang Artemis II ng 252,757 milyang layo mula sa daigdig—na maituturing bilang pinakamalayong distansyang naabot ng tao mula sa Earth.
Mas malayo ito ng 4,102 milya kumpara sa dating record ng Apollo 13 noong 1970, na umabot sa 248,655 milya.
MAKI-BALITA: Artemis II, narating higit 200k milyang layo sa Earth; kinabog Apollo 13 record noong 1970
Dahil sa kasaysayang ito, nabuksang muli ang usapin ng mga panibagong ekspedisyong isasagawa ng Artemis, kung saan kasama ang misyon patungong Mars sa mga susunod na taon.
Maliban pa rito, nadagdagan na rin ang pumirma sa “The Artemis Accords,” matapos ang napaulat na paglagda ng bansang Latvia sa nabanggit na inisyatibo noong Lunes, Abril 20, 2026.
Ano nga ba ang ‘The Artemis Accords?’
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang “Artemis Accords” ay isang inisyatibong pinasinayaan nila noong 2020, katuwang ang US Department of State at ilan pang signatories.
Ito ay may layuning bumuo ng konkreto at karaniwang prinsipyo na may kaugnayan sa civil exploration ng outer space o kalawakan.
Ano-anong mga bansa na ang lumagda sa The Artemis Accords?
Batay sa impormasyong inilatag ng NASA, aabot na sa 62 ang mga bansang nakilahok sa Artemis Accords, matapos ang paglagda ng Latvia sa naturang inisyatibo o misyon.
1. Angola
2. Argentina
3. Armenia
4. Australia
5. Austria
6. Bahrain
7. Bangladesh
8. Belgium
9. Brazil
10. Bulgaria
11. Canada
12. Chile
13. Colombia
14. Cyprus
15. Czech Republic
16. Denmark
17. Dominican Republic
18. Ecuador
19. Estonia
20. Finland
21. France
22. Germany
23. Greece
24. Hungary
25. Iceland
26. India
27. Israel
28. Italy
29. Japan
30. Latvia
31. Liechtenstein
32. Lithuania
33. Luxembourg
34. Malaysia
35. Mexico
36. Netherlands
37. New Zealand
38. Nigeria
39. Norway
40. Oman
41. Panama
42. Peru
43. Philippines
44. Poland
45. Portugal
46. Republic of Korea
47. Romania
48. Rwanda
49. Saudi Arabia
50. Senegal
51. Singapore
52. Slovakia
53. Slovenia
54. Spain
55. Sweden
56. Switzerland
57. Thailand
58. Ukraine
59. United Arab Emirates (UAE)
60. United Kingdom (UK)
61. United States of America (USA)
62. Uruguay
“The commitments of the Artemis Accords and efforts by the signatories to advance implementation of these principles support the safe and sustainable exploration of space,” ayon pa sa NASA.