Gumawa ng kasaysayan ang Artemis II crew noong Lunes, Abril 6, matapos nilang marating ang 252,757 milyang layo mula sa daigdig—na maituturing bilang pinakamalayong distansyang naabot ng tao mula sa Earth.
Mas malayo ito ng 4,102 milya kumpara sa dating record ng Apollo 13 noong 1970, na umabot sa 248,655 milya.
Ayon naman sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) nitong Martes, Abril 7, isinunod ng astronauts na sina Reid Wiseman, Victor Glover, Christina Koch, at Jeremy Hansen na abutin ang 4,000 hanggang 6,000 milyang distansya sa “darkened surface” ng buwan—sakay ng Orion capsule o spacecraft.
Anila, binagtas ng apat na astronauts ang “far side of the Moon.”
“The Artemis II astronauts are about to make history. Watch with us as they fly around the Moon. The crew—NASA astronauts Reid Wiseman, Victor Glover, and Christina Koch, and CSA (Canadian Space Agency) astronaut Jeremy Hansen—will come within 4,000 to 6,000 miles of the Moon's surface as they swing around the far side of the Moon. They will be the first people to see some parts of the Moon with their own eyes,” saad ng NASA sa isang pahayag.
Ayon sa mga ulat, pabalik na ng Earth ang nasabing spacecraft, matapos itala ang bagong kasaysayan.