Mukhang updated daw talaga ang "It's Showtime" staff sa mga isyu, intriga, at kontrobersiyang pinag-uusapan sa social media matapos basahin ni Unkabogable Star Vice Ganda ang tanong para sa Sexy Babe contestant, Sabado, Pebrero 8.
Paano ba naman kasi, ang tanong ni Vice Ganda sa contestant ay tungkol sa "matching tattoos" na ikinatawa naman ng co-hosts na sina Vhong Navaroo, Jhong Hilario, at Kim Chiu, gayundin ng madlang people audience.
"Aayy! Jusko, very current. Very ano ito, very controversial na issue. Lately, I have been reading about this issue," pasakalye pa ng TV host.
Maya-maya, binasa na ni Vice Ganda ang tanong.
"Ano ang gagawin mo kung nagpa-matching tattoo ang boyfriend mo at 'yong girl best friend niya? 'Yong boyfriend mo may girl best friend, tapos nagulat ka na lang, gumising ka isang araw eh nagpa-matching tattoo sila. Whatcha gonna do?"
Sagot naman dito ng kandidata, "Well, I think that is a complete disrespect for me as a woman, kasi alam ko po 'yong feeling na nabe-betray ka po, even for a girl best friend. And sa tingin ko po, lahat ng babae, alam po ang girl code, which is alam po natin kung paano respetuhin ang damdamin ng ating kapwa babae...."
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang pagsisiwalat ni Andi Eigenmann sa kaniyang partner na si Philmar Alipayo at sa girl best friend nito, na nagpalagay ng "matching tattoo" sa kani-kanilang mga bisig.