Patok na patok sa mga netizen ang eksena ng Kapamilya star na si Maris Racal habang tumatakbong naka-underwear lang, sa action series na "Incognito" kasama sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, at Daniel Padilla.
Makikita ang eksenang hinahabol ng ilang kalalakihan si Maris, na ang tanging suot lamang ay bra at panty lang. Take note, nakasuot lang din siya ng itim na medyas at walang ibang sapin sa paa!
Mukhang sa Baguio pa kinunan ang eksena kaya tiyak na malamig doon, pero wafakels si Maris at talaga namang hindi inalintana ang ginaw.
Puring-puri nga si Maris sa kaniyang pagganap bilang "Gab Rivera" sa nabanggit na action series, at parang nakabawi-bawi na siya mula sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Anthony nang dahil kay Jam Villanueva, ex-jowa ng huli.
MAKI-BALITA: Maris, Anthony 'pinatawad' ng netizens dahil sa Incognito: 'Mahusay talaga sila!'
Isa pang senyales na naka-move on na talaga ang aktres ay nang makapag-guest na siya sa noontime show na "It's Showtime" kamakailan, na naisyu pa ang hindi raw pagpapabanggit ng Incognito kasi nga, umeere ang noontime show sa GMA Network.
MAKI-BALITA: 'Incognito' bawal banggitin sa It's Showtime; urirat ng netizens, may network war pa rin?