March 05, 2025

Home SHOWBIZ

Gabbi Garcia dating PBB auditionee, host na ngayon!

Gabbi Garcia dating PBB auditionee, host na ngayon!
Photo Courtesy: Gabbi Garcia (FB)

Tila umayon na ang tadhana kay Kapuso actress Gabbi Garcia sa pagkakataong ito.

Sa latest episode kasi ng All-Out Sunday nitong Linggo, Pebrero 9, pormal nang inanunsiyo na si Gabbi raw ang magsisilbing Kapuso host sa ”Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” kasama sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez.

Kaya naman excited daw siyang maging bahagi ng makasaysayang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN.

Aniya, “I’m super excited. Biruin n’yo, magkakaroon ng collab ang PBB. Grabe, this is history. And I’m to be part of history.” 

'It's Showtime' 'di lang puro tawa at kulitan: 'Also a platform well used to educate!' sey ni Anne

Samantala, sa kaniya namang Facebook post nito ring araw, Pebrero 9, sinariwa ni Gabbi ang pagtatangka niyang mag-audtion sa patok na reality game show sa bansa.

“Fun fact: Back in 2012, I auditioned for PBB Teen Edition Season 4! (Check last 2 photos! )” saad ni Gabbi.

Dagdag pa niya, “Fast forward to 2025—looks like I was meant to host it instead! Or who knows? Maybe there’s still more in store. ‍”

Matatandaang nauna nang ipinahiwatig noong Enero 25 ang isa raw Big Balita tungkol sa nasabing reality show ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: 'Big Balita' ng PBB, hinuhulaan; mapapanood na raw ba sa GMA?

Samantala, hindi ito ang unang beses na naging bahagi si Gabbi sa makasaysayang collaboration ng ABS-CBN at GMA Network dahil nakasama siya sa teleseryeng “Unbreak My Heart” noong 2023.

MAKI-BALITA: 'Unbreak My Heart!' GMA, ABS-CBN, at Viu, sanib-puwersa sa isang collab project