February 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'God save the tsismosas!' Cryptic post ni Jake Ejercito, 'di tungkol kina Andi-Philmar

'God save the tsismosas!' Cryptic post ni Jake Ejercito, 'di tungkol kina Andi-Philmar
Photo Courtesy: Jake Ejercito (FB), Screenshot from Andi Eigenmann (IG)

Pinabulaanan ng aktor na si Jake Ejercito na tungkol sa isyu ng mag-asawang sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang cryptic post niya.

KAUGNAY NA BALITA: Year of the Snake: Cryptic posts ni Andi inintriga, hiwalay na kay Philmar?

Sa Facebook post kasi ni Jake noong Biyernes, Pebrero 7, sinabi niyang “Wala akong feelings about it ,” na hindi naman niya nilinaw kung ano ang tinutukoy niyang it.

Kaya naman umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Mga marites na netizen, nakiusap kay Andi: 'Pa-dark mode po sana stories n'yo!'

“Nag desisyon na naman ang mga tao."

"sana mag artista na ulit si andi"

"Wala syang feelings about IT and walang feelings about HER are two different things. Don't take his post out of context."

"Meant to be kayo...tinadhana huwag munang pakawalan. Alagaan, ingatan at ipaglaban m.."

"nabitin Kami sa story nio pwde ituloy nio ung KiliG namin"

"Feeling ko kayo talaga tinadhana pinatagal nga lang hehehehe"

"Huwag mo man sabihin may feelings ka pa talaga kay Andi Coming back kayo talaga yung tinadhana IDOL Jake Ejercito."

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Jake Ejercito, iniugnay ng netizens sa isyu nina Andi-Philmar

Pero tila hindi na nakapagpigil pa si Jake kaya sumabat na siya sa comment section para tuldukan na ang namumuong intriga.

“Stop putting a spin into the post. Dahil dito lang yan,” aniya sabay lapag ng article link tungkol sa pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa impeachment nito.

MAKI-BALITA: VP Sara sa kaniyang impeachment: 'God save the Philippines'

Dagdag pa niya, “God save the tsismosas.”

Matatandaang si Jake ang ama ng panganay ni Andi na si Elle.

MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar

MAKI-BALITA: Philmar 'lumaban' sa pa-cryptic posts ni Andi