February 09, 2025

Home SHOWBIZ

Cryptic post ni Jake Ejercito, iniugnay ng netizens sa isyu nina Andi-Philmar

Cryptic post ni Jake Ejercito, iniugnay ng netizens sa isyu nina Andi-Philmar

Nakakaloka ang mga netizen matapos nilang ikonekta ang latest Facebook post ng aktor na si Jake Ejercito noong Biyernes, Pebrero 7, sa isyung hiwalayan umano nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, na hindi pa naman opisyal na kinukumpirma ng dalawa.

Simple lang naman ang post ni Jake, isang pangungusap lang, subalit mababasa sa comment section ng post ang pag-uugnay ng mga ito sa kinahaharap na intriga ng mag-partner na sina Andi at Philmar.

"Wala akong feelings about it ," ani Jake sa kaniyang post.

Photo courtesy: Screenshot from Jake Ejercito (FB)

Hindi naman tinukoy ni Jake kung anong "It" ang pinatutungkulan niya.

Tsika at Intriga

'God save the tsismosas!' Cryptic post ni Jake Ejercito, 'di tungkol kina Andi-Philmar

Narito naman ang ilan sa mga mababasang reaksiyon at komento ng netizens:

"Nag desisyon na naman ang mga tao."

"sana mag artista na ulit si andi"

"Wala syang feelings about IT and walang feelings about HER are two different things. Don't take his post out of context."

"Meant to be kayo...tinadhana huwag munang pakawalan. Alagaan, ingatan at ipaglaban m.."

"nabitin Kami sa story nio pwde ituloy nio ung KiliG namin"

"Feeling ko kayo talaga tinadhana pinatagal nga lang hehehehe"

"Huwag mo man sabihin may feelings ka pa talaga kay Andi Coming back kayo talaga yung tinadhana IDOL Jake Ejercito."

Matatandaang si Jake ang ama ng panganay na anak ni Andi na si Ellie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jake o maging sina Andi at Philmar tungkol sa isyu.

KAUGNAY NA BALITA: Year of the Snake: Cryptic posts ni Andi inintriga, hiwalay na kay Philmar?