March 12, 2025

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental dakong 9:43 ng gabi nitong Biyernes, Pebrero 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 312 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.