February 06, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John Arcilla, 'napamura' sa Fast Talk dahil sa tanong ni Boy Abunda

John Arcilla, 'napamura' sa Fast Talk dahil sa tanong ni Boy Abunda
Photo courtesy: Artikulo Uno/Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YT)

Mabilis na humingi ng tawad sa publiko ang award-winning actor na si John Arcilla, gayundin ang showbiz talk show host na si Boy Abunda, nang magmura ang una sa live telecast ng "Fast Talk with Boy Abunda" noong Martes, Pebrero 5.

Si John ang isa sa mga guest ng FTWBA kasama si Martin Del Rosario, bilang cast members ng "Lolong: Bayani ng Bayan" na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Hinamon kasi ni Boy si John na sagutin niya ang mga tanong sa kaniya, sa paraang aktingan. Siyempre pa, kilala si John sa pagiging mahusay na aktor.

Tanong ni Boy sa kaniya, "What makes you angry?”

Tsika at Intriga

Dionela 'nadamay,' nag-react sa 'Marilag' cheating issue

In-character, sagot ni John, "Yung mga nagsasamantala ng maliliit na tao at walang pakialam sa paghihirap ng iba! Punyeta!!!!”

Tila nadala si John sa kaniyang emosyon lalo't ang isinabuhay niya ang pagiging "Heneral Luna" na nagmarkang pelikula noong 2015.

Kaya agad na humingi ng tawad at disclaimer sa mga manonood si Boy, na ang konteksto ng pagkakasambit ni John ng murang "punyeta" ay ang pamosong mura ni Heneral Luna.

“Nay, Tay, Kapuso, patawad po doon sa word na may ‘P’ ni John. It was in context," paghingi ng tawad ni Boy.

Si John naman, agad na sumegunda at sinabing nakalimutan niyang "live" pala sila nang mga sandaling iyon.

“Sorry, I’m sorry. Live nga pala ito. Ipinasok ko lang po si Heneral Luna,” pahayag ni John.

Samantala, wala pa namang pahayag patungkol dito ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.