February 06, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Aubrey Miles, sinaway bashers na nagsasabing naka-'green screen' ang Incognito

Aubrey Miles, sinaway bashers na nagsasabing naka-'green screen' ang Incognito
Photo courtesy: Aubrey Miles (IG)/Star Creatives (IG)

Ipinagtanggol ng aktres na si Aubrey Miles ang pinag-uusapang action series na "Incognito" nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings, at Daniel Padilla laban sa bashers, na nagsasabing naka-"green screen" lang ang mga kuhang eksena, lalo na ang magagandang tanawin sa ibang bansa sa nabanggit na serye.

Sey ni Aubrey sa kaniyang Instagram story, Huwebes, Pebrero 6, tigilan na raw sana ng bashers ang kakapintas sa Incognito na gumagamit sila ng green screen.

Tigilan nyo na nga yung kaka Green screen nyo sa INCOGNITO! Bigyan nyo naman ng credit ang production ng [Pinoy]," ani Aubrey.

"Kaya naman pag gugustuhin. I've benn following the show and walang halong kalokohan sila."

Teleserye

Maris, Anthony 'pinatawad' ng netizens dahil sa Incognito: 'Mahusay talaga sila!'

"Galing from production, wardrobe and artists. Winner!! Maging proud naman tayo!" dagdag pa ni Aubrey.

Photo courtesy: Screenshot from Aubrey Miles (IG)

Ang "green screen" ay isang neon-green screen na inilalagay sa background bago ang shoot para sa mga eksenang kailangan ng special effects, na kadalasang ginagamit sa advertisement, TV, at film productions.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan naman ang finale episode ng nagtapos na seryeng "Widows' War" nina Bea Alonzo at Carla Abellana matapos mapansin ng mga manonood at netizen na tila ginamitan ng green screen ang eksena ng dalawa sa isang cliff.

MAKI-BALITA: Halata ang green screen? Finale episode ng Widow's War, umani ng reaksiyon