July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

2 tuta, patay matapos walang-habas na ibalibag ng amo sa sahig

2 tuta, patay matapos walang-habas na ibalibag ng amo sa sahig
Photo courtesy: via Bataan Animal Welfare Society/FB


Patay ang dalawang tuta sa Brgy. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija kamakailan matapos itong walang-awang ibalibag sa sahig ng mismong may-ari nito.

Batay sa mga ulat, nag-ugat ang pagpatay sa dalawang tuta nang magkaroon ng komosyon sa pagitan ng kapitbahay at amo ng naturang hayop.

Itinuturong dahilan ng pagtatalo ay ang mga umano’y duming idinudulot ng mga aso sa lugar.

Nang subukang irekober ang mga labi ng dalawang tuta, hindi na ito natagpuan sapagkat itinapon na umano ang mga ito.

Depensa naman ng may-ari, ingay ng mga aso ang pinagtalunan niya at ng kaniyang kapitbahay, batay sa ulat ng isang lokal na istasyon.

Paliwanag pa niya, binato umano siya ng tiles ng kaniyang kapitbahay—na siyang ikinagalit niya na naging sanhi upang pagbuntunan niya ang mga alagang tuta.

Pag-amin niya rin, nakainom siya ng alak nang magawa niya ang insidente.

Iniligtas naman ang mga natitirang hayop sa pangangalaga ng may-ari—kabilang na ang inang aso.

Probinsya

DepEd, iniimbestigahan na pagkasawi ng Grade 3 learner sa Davao City

Ayon sa ulat, desidido ang isang animal welfare group na sampahan ng kaso ang may-ari ng dalawang tuta.