July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Patay na dambuhalang pawikan, namataan sa isang baybayin

Patay na dambuhalang pawikan, namataan sa isang baybayin
Photo courtesy: Pangasinan PDRRMO/FB


Isang malaking pawikan o sea turtle ang natagpuang patay sa baybayin ng Brgy. Buenlag, Binmaley, Pangasinan dakong 7:00 ng umaga noong Huwebes, Hulyo 9.

Batay sa ulat ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), tinatayang aabot sa 80 hanggang 100 kilo ang bigat ng naturang Pawikan.

Anang Pangasinan PDRRMO, itinurn-over na rin ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Binmaley ang namataang sea turtle sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bonuan, Dagupan City.

Layon nitong isailalim ang pawikan sa isang eksaminasyon at dokumentasyon.

Batay sa Living Planet Aquarium Organization, lima sa pitong marine turtle species sa buong mundo ay makikita sa Pilipinas—na siyang protektado ng batas sa ilalim ng Republic Act 9147 of 2001, o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Probinsya

SK counselor arestado sa pagsapak sa kanilang Kapitana!