February 05, 2025

Home SHOWBIZ

BINI Aiah sa natatanggap na bashing: 'Hindi siya madali'

BINI Aiah sa natatanggap na bashing: 'Hindi siya madali'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN News (YT)

Emosyunal si BINI Aiah Arceta sa ginanap na contract singning ng kanilang grupo sa ABS-CBN noong Martes, Pebrero 4.

Sa speech na binigkas ni Aiah, pinasalamatan niya ang mga basher ng BINI bagama’t inamin din niya na hindi raw madali ang natatanggap nilang batikos.

“To our bashers, thank you. Totoo, hindi po siya madali to see all the bashing, hating, all the negativity, hindi siya madali. Masakit siya,” saad ni Aiah.

“Pero you know what?” pagpapatuloy niya. “Thank you kasi that’s what motivates us to keep pushing; to be stronger, and to really give out our all. And at least that’s something na we can turn something great.

Tsika at Intriga

Mixed emotions? Cristine kinuyog sa pa-RIP kay Barbie Hsu, self-b-day greeting

Dagdag pa ni Aiah, “Nakaka-test talaga siya, super. Masakit siya. Pero it also allows us to look at all the brighter things in life and the many things that we could be grateful for.”

Matatandaang katakot-takot na batikos ang inabot ng P-pop girl group noong Hulyo 2024 matapos lumutang ang mga larawan nila sa airport na halos balot na balot ang buong katawan at hindi na makilala.

MAKI-BALITA: Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan

Bago pa man kasi ito ay ilang BINI member na ang nakaranas ng pambabastos tulad ni Aiah na biglang sinunggaban ng isang lalaki sa bar.

MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit

MAKI-BALITA: Socmed personality, binatikos matapos 'bastusin' BINI member