July 10, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Conversation starters’ para sa mga mahiyain na ‘organic encounter’ ang hanap

‘Conversation starters’ para sa mga mahiyain na ‘organic encounter’ ang hanap
Photo courtesy: Unsplash

Kung tatanungin ang mga taong may introverted personality o sadyang likas na mahiyain tungkol sa pinaka-inaayawan nilang gawain sa isang araw, malamang magkakasundo ang mga ito sa small talks dahil nakakaubos ito ng social battery. 

Kaya para sa maraming introverts o shy-type na mga tao, “challenging” na maituturing ang pagsabak sa dating at ligawan dahil ito ang mga gawaing kadalasang kinakailangan ng maraming baon na paksa upang maging tuloy-tuloy ang usapan. 

Ngunit kung “organic encounter” na ang hinahanap dahil handa nang buksan ang puso sa pag-ibig, narito ang ilang “conversation starters” para sumakses sa pagkilala at pagpapakilala sa ninanais na tao: 

Mga basic o simpleng topic tulad ng mga sumusunod: 

1. Mga paboritong TV series o pelikula

Human-Interest

'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD

2. Goals na nais maabot sa kasalukuyan o susunod na taon

3. Tipikal na gawain tuwing weekend

4. Uri ng kanta na madalas pinakikinggan

5. Huling concert o gig na pinuntahan 

Ayon sa mga pag-aaral, mainam na hindi lang “oo” o “hindi” ang magiging sagot sa mga katanungang maibabato ngunit mga komportableng tanong na mabibigyang pagkakataon ang kausap na makapagkuwento tungkol sa sarili niya. 

Sa pamamagitan ng mga ganitong tanong, maaari ding makapagtanong ang kausap at maging tuloy-tuloy ang “getting to know” sa isa’t isa. 

Kung nakalagpas naman na sa basic at nais pang mas makilala ang taong ninanais, makatutulong ang mga tanong na magbibigay pasilip sa kaniyang nakaraan. 

Ipinapayo na maging maingat sa mga ganitong tanong upang maiwasan ang posibleng panghihimasok at pagsariwa ng mga naghihilom pa lamang na sugat. 

Ilan sa mga halimbawa ng ganitong “conversation starters” ay ang mga sumusunod: 

1. Pagtatanong tungkol sa pinakamatagal na relasyon

2. Kung nakaranas na ba ang kausap na pumasok sa isang seryosong relasyon

3. Mga hinahanap sa potensyal na karelasyon. 

4. “Deal breakers” o mga bagay na ayaw sa isang relasyon o commitment. 

5. Love language

Sa kabila ng mga halimbawang ito, mahalagang tandaan na maglaan ng sapat na panahon upang makilala ang isang tao at magpakilala rito. 

Bagama’t maituturing na introverted o mahiyain ang sarili, importante rin na buksan ang sarili upang makipagkilala at bumuo ng koneksyon sa pamamagitan ng paglapit at pakikipag-usap.