July 15, 2026

Home SHOWBIZ

Robb Guinto, napagsamantalahan sa set; nahawakan ang boobelya

Robb Guinto, napagsamantalahan sa set; nahawakan ang boobelya
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga Studio (YT), Robb Guinto (FB)

Ibinahagi ni sexy actress Robb Guinto ang naranasan niyang pananamantala umano sa kaniya sa set ng ginagawa nilang pelikula noon.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” noong Linggo, Hulyo 6, binalikan ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang naging panayam niya kay Angeli Khang kung saan inilahad nitong challenges sa pagiging sexy actress. 

“Naalala ko in-interview ko si Angeli Khang. Nag-share siya ng mga challenges. Minsan, nate-take advantage. [...] Nangyari din ‘yon sa ‘yo?” saad ni Toni.

“Opo, nangyari naman din po ‘yon sa akin. ‘Yong unang movie po na ‘yon, isang actor then isang talent,” saad ni Robb.

“‘Yong sa actor po,” pagpapatuloy niya, “siguro nakalimutan ko ‘atang sabihin kung anong limitation ko or what. So parang hindi niya sinasadya na nahawakan niya ‘yong dibdib ko. Nakita po ‘yon sa camera.”

Tsika at Intriga

Hula kay Bea Alonzo sa tarot cards tungkol sa kasal niya, nagkatotoo?

Pero in fairness, ayon kay Robb, tinanong naman daw siya ng director kung okay lang siya at kung gusto raw ba niyang ipatanggal ang nasabing eksena. 

Aniya, “Tinanong naman po ako. So, sabi ko, hindi. Okay lang naman po. Pagsabihan n’yo na lang po na ito ‘yong limitasyon ko.” 

Samantala, ang nakakaimbyerna naman daw sa talent na nanamantala sa kaniya ay inassume nito na puwede siyang basta-basta hawakan sa dibdib.“Ang nakakalungkot lang sa side namin bilang sexy actress,” paliwanag ni Robb, “iniisip ng mga lalaki na nanonood sa amin na porke VMX actress kami; porke naghuhubad kami, akala nila puwede nang hawakan lahat.”

Matatandaang matapos isiwalat ni Angeli noong Agosto 2025 ang tungkol pananamantalang naranasan sa paggawa ng pelikula, ikinaalarma ito ng Gabriela Women’s Party.

Maki-Balita: Gabriela, naalarma sa pananamantala kay Angeli Khang