Nilinaw ni Senate impeachment court presiding officer Chiz Escudero na nananatiling 16 na senador ang kakailanganin upang ma-convict si Vice President Sara Duterte, sa kabila nang pagkakaaresto kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen, Rodante Marcoleta at pagtatago ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa unang araw ng impeachment trial kay VP Sara, klinaro ni Escudero ang nakasaad sa institusyon sa kabila nang kasalukuyang bilang na lamang ng mga senador na 21.
Ayon kay Escudero, sapat na batayan ang naging desisyon ng Supreme Court noong 2000 kung saan iginiit nito na ang bilang na hindi bababa sa 16 na miyembro ay, "Unquestionable compliance with the requisite number of votes," alinsunod sa 1987 Constitution.
"It behooves therefore all of us to observe the same fidelity with the Constitution in this trial, which affects not only the mere ratification of a treaty, but more so affects the susbtantial rights of the respondents as well as the sovereign will of the people," ani Escudero.
Matatandaang naunang nalagasan ang bilang ng mga senador matapos tuluyang matago si Sen. Dela Rosa noong Mayo dahil sa banta ng pag-aresto sa kaniya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa kaugnayan niya sa naging madugong kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Habang noong Hunyo 1 naman nang tuluyang naaresto si Estrada matapos magbaba ng arrest order noon ng Sandiganbayan dahil sa kasong plunder.
Si Estrada ay kinasuhan ng plunder bunsod ng umano’y kickback sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso
Isang buwan ang nakalipas, nitong Lunes, Hulyo 6, inaresto rin sa kasong plunder si Marcoleta hinggil naman sa ₱75 milyong donasyon para sa campaign funds niya noong Eleksyon 2025.
KAUGNAY NA BALITA: 'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya!
Sa kasalukuyan, 13 senador ang bumubuo sa Senate majority bloc habang walong senador naman ang naiwan sa minorya.