“Magical” at “intense” na maituturing ng mga karakter sa isang romantic drama ang pagkakaroon ng unang halik o first kiss dahil sa pagpapahayag ng nag-uumapaw na pagmamahal para sa minamahal.
Binabanggit sa mga pag-aaral na ang first kiss ay kadalasang parte ng pagliligawan upang tukuyin ang intensidad at estado ng pagtingin sa pagitan ng dalawang tao sa isa’t isa.
Minsan, ito ay deklarasyon na ng pagmamahal at pagtingin.
Dito na pumapasok ang iba’t ibang klase ng mga halik at ang mga kahulugan sa likod nito.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Iba’t ibang uri ng halik at ang kahulugan ng mga ito
Gayunman, dahil ang buhay ay hindi palaging katulad ng drama sa mga pelikula at kuwento sa telebisyon, nakalathala rin sa iba’t ibang pag-aaral na ang first kiss ay maaaring maging iba sa realidad.
Dahil dito, narito ang ilang “expectations vs. reality” na pangyayari sa aktwal na first kiss:
1. Hindi ito palaging “romantic” katulad ng mga nasa pelikula at telebisyon dahil minsan, posible lamang itong mangyari ng biglaan sa kahit saang lugar tulad ng parking lot, hallway na walang tao, o kaya’y sa gilid ng kalsada.
2. Minsan, “awkward” o nakakailang ang pagkakaroon ng unang halik dahil hindi alam ng dalawang taong gagawa nito.
3. Kasama rito ang pagkalito kung saan ilalagay ang mga kamay o kaya’y pagkabigla sa mga nararamdaman na hindi pa nadarama bago ang pagkakaroon ng malalim na pisikal na koneksyon sa taong hahalikan.
4. Dahil ito ay itinuturing na “big deal” ng marami lalo na ng mga taong itinuturing na “hopeless romantic,” nakadaragdag sa pressure ng first kiss ang pagkakaroon ng spark at malalim na koneksyon sa taong hinalikan o kaya’y agad na paggawa nito sa unang date pa lamang.
5. Dala rin ng pressure, minsan, ang first kiss ay nag-uudyok sa dalawang tao na mas palalimin ito at ituloy sa pagtatalik, na maaaring magbunga pa sa mas komplikadong mga pangyayari.