July 04, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Puwede bang lutuin ang itlog sa sidewalk?

ALAMIN: Puwede bang lutuin ang itlog sa sidewalk?
Photo Courtesy: Pexels, Pixabay

Taon-taon, deklarado ang petsang Hulyo 4 bilang “Sidewalk Egg Frying Day” ng mga bansang nasa bahagi ng Northern Hemisphere gaya ng United States, Canada, at Mexico.

 Isa itong kakaibang selebrasyon para ipagdiwang ang tag-init sa pamamagitan ng pagluluto ng itlog gamit ang sikat ng araw.

Hindi malinaw ang orihinal na pinagmulan ng nasabing pagdiriwang. Pero mula umano ang pangalan nito sa madalas na imikin na "it’s so hot you could fry an egg on the sidewalk."

Isa sa pinaniniwalaang pinakaunang pinagmulan ng konsepto nito ay ang kolum umano ni Dr. Francis Henry Wade noong 1899 na pinamagatang "How to Keep Cool." Matatagpuan dito ang katagang “bricks of the sidewalks [are] hot enough to fry eggs." 

Sumikat pang lalo ang ideyang ito noong 1933, kung saan naiulat sa "Los Angeles Times" ang record-breaking temperatures sa isa sa mga karatig-lugar ng L.A. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Motorcycle taxi rider pinusuan, nagpasakay nang libre sa pasaherong namatayan

Pinag-uusapan umano ng mga tao roon kung maaari ba talagang makapagluto ng itlog sa pamamagitan ng sikat ng araw gamit ang mga tamang kasangkapan.

Totoo nga ba talaga ito? 

Ang sagot, depende. Kung sa mismong semento ng sidewalk babasagin ang itlog para doon lutuin, imposible itong mangyari. Hindi kasi magandang tagapagdaloy ng init ang sidewalk na gawa sa semento.

Ayon sa mga ulat, kinakailangan umano ng 45 degrees Fahrenheit o 62 degrees Celsius para ganap na maluto ang itlog. 

Kaya kung talagang ninanais  makapagluto ng itlog sa pamamagitan ng solar energy, gumamit ng metal na kasangkapan. Pwedeng sa hood ng sasakyan o kaya naman ay sa tin foil basagin ang itlog.