July 23, 2026

Home BALITA National

'Walang bise presidente na handang magpapatay ng presidente... ngayon lang!'—Luistro

'Walang bise presidente na handang magpapatay ng presidente... ngayon lang!'—Luistro
Photo courtesy: Screenshot from Senate of the Philippines (FB)/via MB File Photo

Iginiit ni Lead Prosecutor Atty. Gerville Luistro na walang ibang bise presidente sa kasaysayan ng Pilipinas na may kaibigang "hitman" at nagbalak na ipapatay ang Pangulo, kundi si Vice President Sara Duterte pa lamang, sa unang araw ng impeachment trial nitong Lunes, Hulyo 6.

Sa opening statement ni Luistro para sa prosecution team, iginiit niyang dapat daw panagutin ang isang makapangyarihang opisyal ng pamahalaan, kagaya ng pagpapanagot sa isang ordinaryong mamamayang Pilipino.

Ngayon lamang daw nagkaroon ng bise presidente sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas na nagtangka sa buhay ng Pangulo.

"Sa kasaysayan ng ating Republika, walang Bise Presidente na may kaibigang hitman, ngayon lang. Walang Bise Presidente na nagpapapatay ng Presidente, ngayon lang. Walang Bise Presidente na handang magpapatay para lang makaupo sa puwesto, ngayon lang," aniya.

National

Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon