July 27, 2026

Home FEATURES Trending

Nanggigil tuloy yung owner! Renter na nagpa-house blessing ng hindi niya bahay, pinutakti

Nanggigil tuloy yung owner! Renter na nagpa-house blessing ng hindi niya bahay, pinutakti
Photo courtesy: "Badette" / Facebook

Naging usap-usapan sa social media ang isang post kung saan inakusahan ng isang netizen ang isang babae na nagpa-house blessing sa inuupahan niyang bahay, na tila raw siya ang astang may-ari nito.

Sa isang viral Facebook post, diretsahang pinangalanan ng nag-post ang naturang babae at inakusahan itong nagpa-house blessing sa bahay na hindi naman umano niya pag-aari.

“HOY MADAM HANAH! ANG GANDA NG BAHAY MO AH!" mababasa sa post. 

"Nagpa-house blessing ng hindi niya bahay! Yan ung Airbnb na sinasabi mong bahay mo,” saad ng nag-post.

Ayon pa sa kaniya, hindi umano natuwa ang tunay na may-ari ng bahay nang malaman ang nangyari. Makikita naman sa kalakip na mga larawan ang pagbabasbas ng pari at pa-catering pa matapos ang event.

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

"Nanggigigil tuloy ung owner. Samfal ko sa'yo ung titulo niya sa'yo eh! Di kita titigilan! Dodoblehin ni Medem Owner ung 10k! Sareh!" dagdag pa ng netizen.

Photo courtesy:  "Badette" / Facebook

Sa isa pang bahagi ng post, sinabi ng nag-akusa na may mga ipinagagawa pa umano ang babae sa isang architect para sa naturang bahay kahit hindi naman siya ang may-ari nito.

"Kung anu-ano pa pinag-uutos mong gawin ni Architect sa bahay ni beshywaps! Pinaglalagay mo pa pictures mo diyan. Inutangan mo pa ang kapatid niya at pinangakuan ng work sa Canada. Eh kung di mo sana ako binogus eh di pareho sana tayong nag-enjoy diyan!" aniya.

Isang netizen naman ang nagtanong sa uploader kung paano raw nagawa ng nabanggit na renter ang pagpapa-house blessing.

"Nagre-rent lang po kasi nga AirBnb po yan," sagot niya.

Dagdag pa niya, "Delulu malala yan Medem. May ospital din daw sila sa Canada at CEO ang Tatay, Chef ang Nanay. Tapos siya Surgeon."

Isang netizen pa ang nagkomento at nagsabing wala siyang nakikitang problema kung renter lang siya at nagpa-house blessing. Masyado raw "OA" o overacting ang post.

Pero sagot naman niya, "Ok lang sana kung rent lang. Eh kaso clini-claim niyang sa kanya yang bahay. Hindi ba mas OA ung magpablessing ka kung RENT lang naman?"

Narito ang ilan pa sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Baka naman pina house blessing nya upang habang sya naka rent walang masamang espiritu naka tira. Pwede po yan ipa bless nya kaya lang pano lalayas ang demonyo kung kasama rin sya sa doon sa blessings. Dapat dyan lang coordinated. I am a pastor and i do house blessing kahit na hindi sya may ari pero dyan sya titira at nag uupa. Pwede po yun basta malinaw din at coordinated. Pero kung AIR BNB eh ibang kaso na yan haahhaahaaa baka pakulo o check baka shooting hehehe."

"Baka may mag anak na nasa abroad tapos kunwari yan na yung pinatayong bahay. Hahaha parang may napanood akong ganun."

"Naglaro nanaman ng yamanyamanan si madam hanah"

"nag rent ba ng isang araw lang ? o mag re-rent ng ilang months? kasi kung 1 day lang oo nga ang weird magpa blessing, pero kung ilang months naman sya mag re-rent jan para sakin walang kaso na ipa-blessing muna nya bago nya tirahan."

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 65k reactions, 20k shares, at 2.8k comments ang nabanggit na post.