Masayang ibinahagi ng social media personality na si Marlou Arizala alyas "Xander Ford/Arizala" na sa wakas ay makakangiting-wagas na siya dahil sa dental treatment na ginawa sa kaniya ng isang dental clinic.
"SA WAKAS MALAPIT NA DIN AKO MAKAPAG TOOTHBRUSH!" mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post, kung saan nagpasalamat siya sa dental clinic na gumawa ng dental treatment sa kaniya.
Matatandaang kamakailan lamang ay nanawagan si Xander sa social media na may kung puwede raw mag-sponsor sa pagpapaayos ng kaniyang ngipin.
"NAHIHIRAPAN NA AKONG ITAGO ITO SANA MAINTINDIHAN NYO," saad ni Xander sa kaniyang Facebook live noong Enero 30.
"SANA MAY MGA DENTISTA DITO MAKAKITA KAHIT SANA MATULUNGAN NYO PO AKO," aniya pa.