January 28, 2026

Home BALITA National

5.8-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental

5.8-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang 5.8-magnitude na lindol ang yumanig sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Pebrero 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:35 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 414 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 162 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Padilla, humirit pa kay Tarriela; 'pag sa Chinese bawal, 'pag rally puwede

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.