Pinagpipiyestahan ng mga netizen ang isang TikTok video kung saan parehong makikita ang singer na si Moira Dela Torre at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na nasa isang event ng isang dental clinic.
Sa video, makikitang nang tinawag na si Catriona sa entablado at naglakad na ay nagawa pa niyang bumeso sa iba pang guests.
Ngunit nang mapatapat na siya kay Moira, hindi siya bumeso at agad na bumaling kay Diamond Star Maricel Soriano na hinawakan pa niya sa braso. Pero kung titingnan naman si Moira ay ngumiti naman siya kay Cat.
Hanggang sa bumati na siya sa audience at kinumusta sila.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Ang alam ko, si Moira malapit na kaibigan ni Sam Milby. Si Sam Milby ex fiance ni Cath."
"dapat sanq bineso nya din lahat khit di nya pa kilala para nmn di offend sa iba hehe"
"umiwas slight ke moira?"
"Bat dinedma nya si Moira haha"
"BAKIT NILAGPASAN SI MOIRA?"
"hindi bineso si Moira?"
Palaisipan ito sa mga netizen dahil kamakailan lamang ay usap-usapan ang pag-unfollow daw ng iba pang Cornerstone artists na sina Erik Santos, Yeng Constantino, TJ Monterde, at mismong si Sam Milby kay Moira, sa hindi pa malinaw na dahilan. Hindi pa rin nagkukumpirma sa nabanggit na isyu ang naturang singers.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Catriona tungkol dito.