Nilinaw ni Kapuso actress Sanya Lopez ang tungkol sa isang cryptic post niyang inintriga at iniugnay ng ilang netizens sa hiwalayan ng utol niyang si Jak Roberto at ex-jowa nitong si Barbie Forteza.
MAKI-BALITA: Sanya Lopez, pinatutsadahan si Barbie Forteza?
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi ni Sanya na hindi raw tungkol sa dalawa ang nasabing post.
"No, not at all," saad ni Sanya. "I respect Barbie and Jak doon sa mga decisions nila.”
Dagdag pa niya, "Ever since hindi ako nangingialam. Alam ng lahat ‘yan, hindi ako nangingialam. Basta ako as kapatid, kaibigan din ni Barbie, kumbaga. I respect them.
Ayon sa aktres, hindi raw niya ugaling magalit sa iba dahil galit din ang isang tao rito.
"Matatanda na tayo para doon. Nandito lang ako para intindihin sila pareho," aniya.
Matatandaang kapapasok lang ng 2025 nang magulantang ang mga netizen dahil sa anunsiyo ni Barbie sa kaniyang social media post na hiwalay na sila ni Jak matapos ang pitong taong relasyon.
MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!