Pinalagan ng aktres na si Barbie Imperial ang masakit na salitang sinabi sa kaniya ng isang basher.
Kinuwestyon ng nabanggit na netizen si Barbie, na bagama't hindi direktang pinangalan, ay maaaring nagtataas ng kilay sa espesyal na ugnayan ngayon ng aktres na si "Incognito" star Richard Gutierrez, na estranged husband ng aktres na si Sarah Lahbati.
Kaya banat ng netizen kay Barbie, published as is, "anong klase ng babae ka? hindi ko matanggap, pinaka ayoko sa lahat is yung third party. kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled yung mag asawa pero andyan kana."
Palag naman ni Barbie, "anong third party pinagsasabi mo?"
Hindi na nag-reply ang nabanggit na basher sa tugon ni Barbie sa kaniyang komento.
Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay Richard, ay tila unti-unti na ngang nagbukas ng real score sa pagitan nila ng aktres ang aktor.
MAKI-BALITA: Barbie Imperial, hindi 'third party' kina Richard at Sarah
MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, na-attract kay Barbie Imperial dahil totoong tao
MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?