Ibinahagi ng vlogger-actress na si Alex Gonzaga ang paborito raw niyang alaala sa mister niyang si Lipa City Councilor Mikee Morada.
Sa latest Instagram post ni Alex noong Linggo, Enero 26, mapapanood ang isang video kung saan makikitang pinapasaya ni Mikee si Alex.
“My favorite memory is when my husband made sure I was happy before my medical procedure,” saad ni Alex sa text caption.
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"In God's perfect time, kayo naman ang magkaka baby. In Jesus Name!"
"Sending hugs In God’s Perfect time ipagkakaloob din sainyo napakabuti ng puso niyo ni mikee "
"I love you so much Catherineeeee "
"Nagiisa ka Mikee -mo The Lord sees everything "
"In a World of Boy's He's a Gentleman!!! "
"Bless your womb with a baby in God's perfect timing. "
"dancer naman talaga si kuya mikeee ha"
"Aww sos sweet naman ni hubby"
Matatandaang isiniwalat ni Mikee sa latest episode ng “Toni Talks” noon ding Linggo na nakunan muli ang misis niya sa ikatlong pagkakataon.
MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, nakunan sa ikatlong pagkakataon