Inurirat si Kapuso Star Karina Halili tungkol sa estado ng relasyon nila ng dati niyang nobyong singer na si Kris Lawrence.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa “24 Oras” noong Lunes, Abril 20, sinabi ni Katrina na wala muna raw siyang sasagutin.
“Sa balikan po? Wala, secret lang. Secret. Wala tayong sasagutin, bawal daw. Bawal daw po sumagot,” saad ni Katrina.
Gayunman, masaya raw ang aktres na nakikita niyang nagpapakatatay si Kris sa anak nilang si Katie.
Aniya, “Happy ako na nakikita ko na nagiging tatay talaga siya, at nararamdaman ko talaga ‘yong pagiging present niya as tatay.”
Matatandaang kamakailan lang ay kinakiligan ng netizens ang paglalaro ng pickleball nina Katrina at Kris sa isang commercial pickleball court sa Meycauayan, Bulacan, dahilan para mabuo ang espekulasyong nagkabalikan na nga sila.