February 02, 2025

Home SHOWBIZ

Cassy Legaspi, na-diagnose na may hypothyroidism

Cassy Legaspi, na-diagnose na may hypothyroidism
Photo Courtesy: Cassy Legaspi (IG)

Ibinahagi ng Kapuso Sparkle artist na si Cassy Legaspi na na-diagnose daw siya ng hypothyroidism noong 20-anyos siya.

Sa latest episode ng Kapuso ArtisTambayan noong Biyernes, Enero 24, sinabi ni Cassy na kaya pala kahit anong subok niyang magbawas ng timbang dati ay hindi niya magawa.

Aniya, “Naging super fatigue ako. Tapos, intense falling hair. Super na po talaga. Tapos lagi pong nilalamig. Parang may fever ako palagi.”

“Di ko ma-explain but always sick. Tapos di na ako kayang mag-gym, mag-work out. Di na ako madaldal. Who is Cassy without being madaldal?” dugtong pa ni Cassy.

'Tayo ay nasa fine dining restaurant' ni Toni Fowler nilaro, ginawan ng versions

Ayon kay Cassy, bagama’t hindi raw nahalata ng publiko ang kondisyon niya, napansin daw ng kaniyang mga kaibigan at pamilya na nananamlay siya.

Kaya mula nang magpakonsulta, binago na raw niya ang goal. Sa halip na pagpapapayat, pagiging healthy na ang habol niya tuwing nagwo-work out.