Isang lalaki ang umano’y nang-trip at nanaksak ng kaniyang kainuman sa Barangay Viga, Maripipi, Biliran.
Ayon sa ulat ng News 5, tinatayang limang saksak ang tinamo ng biktima mula sa kainuman niyang suspek, sa isang lamay sa kanilang barangay.
Giit ni P/Staff Sgt. John Arbas, maayos umanong nakikipag-inuman ang biktima sa suspek nang bigla na lang siyang pagsasaksakin nito.
“Nagkaroon sila ng inuman doon kasi may lamay. Ito pong si suspek natin at iyong victim, normal lang naman, wala namang silang komosyon. Bigla itong si suspek kumuha ng patalim at sinaksak si victim,” ani Arbas.
Samantala, nagpapagaling na ang biktima sa ospital habang kasalukuyan na umanong nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa reklamong frustrated murder.