May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

2 menor de edad, kasama sa mga napatay sa operasyon ng militar sa Negros

2 menor de edad, kasama sa mga napatay sa operasyon ng militar sa Negros
Photo courtesy: Unsplash

Kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTA-ELCAC) na dalawang menor de edad ang kasama sa 19 kataong nasawi sa operasyon ng militar sa Negros Occidental noong Abril 19, 2026.

Ayon sa NTF-ELCAC, nasa edad 16 at 17 taong gulang ang dalawang menor de edad sa nasabing engkwentro.

"Also among those killed in the same encounter- as identified in the PNP investigation and validated by their claimant-were two minors, Jolinda Jimena (16) and Dexter Patoja (17)," anang NTF-ELCAC.

Pagdidiin pa nila, "Their presence in a combat environment highlights the grave risks faced by young individuals who become involved in armed conflict."

Matatandaang inulan ng kontrobersiya ang naturang operasyon ng militar kontra sa umano’y hanay ng New People’s Army (NPA) matapos mapatay ang ilang sibilyan at estudyante.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

KAUGNAY NA BALITA:  Nadamay na student-leader at local journalist sa engkwentro ng militar vs NPA, umani ng mga reaksyon sa netizens!  

Noong Linggo, Abril 26, kinumpirma ng Commission on Human Rights (CHR) na nagkasa na sila ng imbestigasyon hinggil sa anila’y massacre na nangyari umano sa 19 na biktima.

Samantala, mariin namang naninindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang sibilyang nadamay dahil pawang ang 19 na mga nasawi ay miyembro daw ng NPA na nakipagpalitan ng putok sa kanilang tropa.

“Recent claims circulating on social media that those killed in the encounter in Toboso, Negros Occidental were merely researchers, journalists, student leaders, and social workers - and that the Philippine Army violated human rights and International Humanitarian Law - deserve closer scrutiny rather than outright acceptance,” ayon sa kanilang pahayag.

Dagdag pa ng militar, mahalagang masagot kung bakit umano may armas ang mga nasawi at nakipagbakbakan sa mga sundalo.

“While any loss of life is deeply concerning and warrants proper investigation, it is also important to address a fundamental question: Bakit sila nasa mismong encounter site, armado, at nakikipagbarilan sa mga sundalo?” saad pa sa pahayag.

KAUGNAY NA BALITA: CHR, nagkasa na ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 19 katao sa operasyon ng militar sa Negros