February 05, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae Quinto, naniniwalang walang ibang babae si Trevor Magallanes

Rufa Mae Quinto, naniniwalang walang ibang babae si Trevor Magallanes
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Tila buo ang kompiyansa ni Kapuso comedy actress Rufa Mae Quinto na walang sangkot na third party sa pinagdadaanan ng relasyon nila ngayon ng non-showbiz husband na si Trevor Magallanes.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Rufa na bagama’t wala siyang kutob, napag-isip-isip din daw siya minsan.

“Wala ka namang kutob kung mayro’n siyang iba?” usisa ni Ogie.

“Sa akin, wala,” sagot ni Rufa. “Pero siyempre, kung sa mga nangyayari, parang siguro mapag-iisip-isip ka minsan, ‘di ba. Pero sa akin, hindi ‘yon ang kutob ko, e. 

Relasyon at Hiwalayan

Kasal nina EA Guzman, Shaira Diaz may petsa na!

“Saka hindi isyu sa amin ‘yon kasi hindi naman ako selosa, e. Sabi naman niya, wala raw. Naniwala ako. Kasi ba’t naman siya magsisinungaling?” dugtong pa niya.

Sa katunayan, wala pa raw talagang ideya si Rufa kung bakit gustong makipaghiwalay sa kaniya ni Trevor. Pero ang posible raw na dahilan ay ang kawalan niya ng oras dahil sa kalikasan ng kaniyang trabaho.

“Baka lang for me. ‘Yon ang naging pagkukulang ko. Na hindi ako available everyday. Sa showbiz pa, minsan parang pack up. Gulo-gulo,” saad ni Rufa.

Dagdag pa niya, “Minsan sasabihin mo ‘o sige pauwi na ako. Ay, di na naman daw kasi kailangang tapusin. Bumagyo.’ So, parang hindi niya alam ‘yong galawan talaga siguro ng showbiz.”

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Trevor sa pamamagitan ng Instagram story na gumugulong na raw ang proseso ng kanilang divorce. Ngunit sa isang panayam ay itinanggi ito ni Rufa.

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto, nagsalita na sa relasyon nila ng non-showbiz husband