January 22, 2025

Home SHOWBIZ

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay
Photo courtesy: Diwata Pares Overload (FB)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang latest photos ni Deo Balbuena alyas "Diwata" habang nasa isang crystal kayak, sa dagat ng Boracay.

Nagbakasyon kasi si Diwata sa Boracay at talagang awra kung awra ang social media personality/paresan owner sa kaniyang lamyerda.

Ibinahagi ni Diwata na first time daw niyang mag-swimming sa Boracay at makasakay sa crystal kayak.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang "pag-awra" niya sa isang bangkerong tour guide na siyang sumasagwan sa kaniyang kayak.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Biro kasi sa kaniya ng bangkero, itatapon daw siya sa laot at ipapakain sa pating nang tanungin siya ng social media personality kung saan siya dadalhin kapag nalasing siya.

Pero giit naman ng bangkero, biro lamang ito.

Samantala, nilaro naman ng mga netizen ang mga larawan ni Diwata habang todo-awra sa Boraca.

"Mukhang ikaw ang Reyna ng mga Badjao"

"Totoo nga na may shokoy grabe"

"Basta advice ko sayo, wagkang mag snorkeling baka mag aaway kayo ng mga pating sa ilalim"

"sinira na kagandahan ng boracay"

Samantala, parang wafakels naman si Diwata sa mga birada at lait sa kaniya ng netizens.

MAKI-BALITA: Diwata umawra sa Bora, trip itapon sa laot at ipakain sa pating ng bangkero