June 11, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu
Photo Courtesy: Screenshot from @elysian558 via Alt Kamuning (X), Mavy Legaspi (IG)

Kasalukuyang kumakalat ang mga video clip at larawan nina Kapuso Sparkle artists Mavy Legaspi at Ashley Ortega nang magkasama sa Cebu.

Sa X post ng “Alt Kamuning” noong Lunes, Enero 21, mapapanood ang video kung saan magkahawak-kamay pa ang dalawa.

“KKLK! Mavy Legaspi and Ashley Ortega spotted in Cebu holding hands. Pak! ” saad sa caption.

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa mga komento:

Tsika at Intriga

'Nakakaput*ng-ina!' John Arcilla, badtrip sa nagtatanga-tangahan

"Mas bet tlga ni Mavy mas mataas age gap skanya"

"Starlets caught holding hands"

"From Mayor to Mavy"

"Wow..Super bagay sila..Kiliiiig much"

"Aw, sana nga Gusto ko si Ashley "

"Baka matalakan yan ni carmina hahaha eme"

"Ok lang pareho naman silang single  at bagay sila..Maganda at Gwapo"

"Alam ba yan ng mama mo? "

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang inilalabas na pahayag ang dalawa hinggil sa real-score nila.

Matatandaang na-link noon si Mavy kay Kyline Alcantara. In fact, umugong pa nga ang balitang nagkahiwalay na umano sila.

MAKI-BALITA: From reel to real na nga ba? Kyline Alcantara, may rebelasyon sa relasyon nila ni Mavy Legaspi

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

Samantala, kinumpirma naman ni Ashley ang breakup nila ni Lucena City Mayor Mark Alcala noong Marso 2024.

MAKI-BALITA: Ashley Ortega sa breakup nila ni Mark Alcala: 'Ayaw namin ipilit sa isa't isa if we know that it won't work'