Nagbigay ng reaksiyon si “Prinsesa ng City Jail” star Denise Laurel kaugnay sa impresyon sa kaniya ng marami bilang malandi at mataray.
Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Enero 20, inungkat ni Boy ang sinabi noon ni Direk Cathy Garcia-Sampana.
“Direk Cathy once said na because of your look, kapag hindi ka kilala sasabihin ‘ang taray-taray ng babaeng ito at ang landi,’” saad ni Boy.
“Landi po ‘yong nauna,” natatawang sabi ni Denise. “‘Ang landi kasi ng mukha mo!’ ‘Yong features ko, ganyan. When she said that Tito Boy, may nag-click sa utak ko. Kaya pala people—no matter how soft my heart is—they always come up with their own assumption. Hindi nila ako nilalapitan.”
“I would always get hurt in love. People always make their own assumptions about me because of how I talk, how I look, my last name, where I’m from. E, patas lang naman kami. So, hindi ko ma-gets,” dugtong pa ng aktres.
Kaya ang ginawa ni Denise, ginatasan na lang daw niya ang imaheng nabuo niya sa isip ng ibang tao. Humingi raw siya nang humingi ng mga gagampanang karakter na matataray at malalandi.