Tila imbiyerna pa rin daw si Kapamilya star Maris Racal sa kaniyang “Incognito” co-star na si Anthony Jennings matapos ang cheating issue sa kanilang dalawa.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
MAKI-BALITA: Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Enero 19, sinabi ni Ogie na nabalitaan daw niyang iritable raw si Maris kay Anthony sa ginanap na Incognito fan conference kamakailan.
“Buwisit pa rin daw si Maris kay Anthony Jennings. Baka habang binabalita natin ‘yon okay na sila. Kasi parang naiirita raw si Maris noong Incognito fancon do’n sa Taguig,” saad ni Ogie.
MAKI-BALITA: Matapos eskandalo: Maris, Anthony bumulaga sa fancon ng Incognito
Pero ayon sa co-host niyang si Mama Loi, “Parang okay na okay naman sila sa stage.” In fact, sabi pa nga ng mga netizen, parang wala raw nangyari!
MAKI-BALITA: 'Parang walang nangyari!' Netizens, nag-react sa pagbulaga nina Maris, Anthony
“Hindi naman sila pwedeng magpakita na [naiinis sila],” paliwanag ni Ogie. “Understandable ‘yon kung totoo man.”
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Anthony at Maris para kumpirmahin o pabulaanan ang nasagap na tsika ni Ogie.