January 21, 2025

Home SHOWBIZ Events

Lumpia ni Abi Marquez, aprub ba kay Gordon Ramsay?

Lumpia ni Abi Marquez, aprub ba kay Gordon Ramsay?
Photo courtesy: Screenshot from Abi Marquez (IG)

Ikinatuwa ng fans at followers ng tinaguriang "Lumpia Queen" na si Abi Marquez ang pagkikita nila ni British celebrity chef and restaurateur Gordon Ramsay, sa isinagawang meet-and-greet ng huli sa the Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

Tila "challenge accepted" kay Abi ang hamon sa kaniya ng sikat na celebrity chef na gawan niya ng lumpia version ang Beef Wellington na isa sa mga inooffer ng kaniyang restaurant na "Gordon Ramsay Bar & Grill."

"CHALLENGE ACCEPTED @gordongram," saad ni Abi sa kaniyang latest Instagram post, Martes, Enero 20.

Sa isa pang Instagram post ay ipinakita ni Abi ang video clip ng kaniyang preparasyon ng nabanggit na lumpia.

Events

BINI Aiah, batak sa BINI Run 2025

"WILL CHEF APPROVE? BEEF WELLINGTON LUMPIA, coming right up!" aniya.

Sa comment section ay may sagot naman ang celebrity chef, "Still thinking about it! Well done Abi Gx."

At kapag pinanood naman ang video, makikitang pinuri ni Ramsay ang hitsura ng lumpia. 

"Visually, wow, that looks good!" bulalas ni Ramsay. 

At nang tikman na niya ito, "I'm really sorry but I don't like it... I f*cking love it!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ano pa bang hindi nalagay ni Abi sa lumpia? conngratss lumpia queen!!"

"Hinampas at pinalo palo lang naman ni Abi si Gordon! "

"SO PROUD OF U!"

"omggg!! you nailed it! fil here are proud of you!! "

MAKI-BALITA: 'Lumpia Queen' Abi Marquez at Gordon Ramsay, nagkaharap na: 'Challenge accepted!'

Tinaguriang "lumpia queen" si Abi dahil sa iba't ibang recipe niya sa lumpia, na ibinabahagi niya sa kaniyang contents.