April 05, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, pinugutan ng ulo ang sariling ama?

Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, pinugutan ng ulo ang sariling ama?
Photo courtesy: Pexels

Kinumpirma ng Tagum City Police Station ang krimeng nangyari sa Purok 1A-Gapas, Brgy. Madaum, Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa press release ng Tagum City Police, nadakip nila ang suspek na anak umano ng biktima nitong Linggo ng umaga, Enero 19, 2025. 

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Investigation and Detective Management Section ng Tagum Police, nakatanggap ang opisina ng ulat tungkol sa sinasabing insidente ng pananaksak sa Purok 1A-Gapas, Brgy. Madaum, Tagum City. Agad daw na tumugon ang mga pulis upang suriin ang insidente. Pagdating sa lugar, nagulat ang mga pulis sa natagpuang patay na katawan ng isang lalaki na wala na umanong ulo, habang may mga sugat din sa katawan nito at lumabas ang ilang laman-loob.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nagkaroon umano ng pagtatalo sa bahay ng biktima bago tuluyang mangyari ang krimen. Narekober sa crime scene ang isang bolo, martilyo at pala. 

Probinsya

2 taong gulang na bata, patay matapos madamay sa away ng kaniyang ina at stepfather

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na may sakit daw sa pag-iisip at nahaharap sa kasong parricide.