January 20, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn, Alden dinededma na lang ang isa't isa?

Kathryn, Alden dinededma na lang ang isa't isa?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Now Na (YT)

Nagkaroon na nga ba ng pagbabago ang ugnayan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo matapos ang “Hello, Love, Again?”

Matatandaang opisyal nang nagpaalam sina Kathryn at Alden sa kani-kanilang karakter na ginampanan sa nasabing pelikula noong Disyembre 2024.

MAKI-BALITA: Alden, Kathryn nagpaalam na sa mga karakter nila sa 'Hello, Love, Again'

Kaya sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Sabado, Enero 18,  sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nakarating umano sa kaniyang mga komento tungkol sa dalawa.

Tsika at Intriga

Ex-QC mayor Herbert Bautista, city administrator hinatulang guilty sa graft

“Sinasabi nagdededmahan na lang daw si Alden Richards at saka si Kathryn Bernardo. Ni hindi nga raw binati ni Kathryn si Alden noong nag-birthday,” saad ni Cristy.

Pasubali naman ng showbiz columnist, “Malay naman natin kung nag-usap naman ‘yong dalawa ng sila lang. Personal.”

Ito ay matapos niyang itsika na ilang gabi na raw naiispatan ang sasakyan ni Daniel sa subdivision kung saan nakatira sina Kathryn.

MAKI-BALITA: Sasakyan ni Daniel, ilang gabi nang paikot-ikot kina Kathryn; nakikipagbalikan?