Hindi pinalagpas ni "Pinoy Big Brother" host Bianca Gonzalez-Intal ang isang basher na halos murahin na ang lahat ng mga nasa likod ng nabanggit na reality show ng ABS-CBN, dahil daw sa pagiging 'scripted" nito.
Batay sa X post ng basher, "Unang nabunot ni Fyang si JM. Pero bakit naging si D?"
"Scripted ka tlga @PBBabscbn , pa issue ang mga putang inang pibibi na to."
"Kahit kailan scripted tlga show nyo!! Tadhana? Tangina mo saan tadhana na laging bunot ng kbila magkapareho lagi pti xmax party halata."
"Napaka insensitive niyo alam niyo na may namamagitan sa dalawa pero gnagawa niyo parin yan."
"Ulit ulit na issue nakakasawa," anang netizen.
Hindi naman pinalagpas ni Bianca ang talak na ito ng basher at kinomentuhan, lalo na nang murahin na sila at insultuhin.
"Kailangan talaga murahin mo kami? Insultuhin, just because it does not meet your standard? We get a lot of bashing, I understand, but I put my foot down pag sobra na," ani Bianca sa kaniyang X post.
Ipinaliwanag naman ng host ang mga nangyari sa likod ng inirereklamo ng basher patungkol kina Fyang, JM, Jas, at Dylan.
"We value fans opinions a lot, pero pag minura na kami, mali na yun. Sana next time, share your thoughts na mas makatao. Iba yung nagpapakatotoo sa pagiging makatao. Parehong importante yun," giit niya.
Si Fyang Smith ang itinanghal na Big Winner sa PBB: Gen 11, ang recent edition ng nabanggit na reality show.