Ibinahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang nasagap niya umanong kuwento tungkol sa kalagayan ng singer na si Jake Zyrus, na noon ay kilala sa pangalang Charice Pempengco, habang nasa Amerika.
Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Sabado, Enero 18, sinabi ni Cristy na umano’y lulong daw ngayon si Jake sa pag-inom ng alak.
“Lagi siyang nakikita ngayon sa mga bar. At kapag lulong na lulong at lasing na lasing, hindi alam ang kaniyang ginagawa,” saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Di ba may mga kuwentong nakarating sa atin? ‘Yong tinirhan niya, ‘yong kumupkop sa kaniya, na ang akala e [shutay na]. Kaya isinilid na siya sa black bag.”
“Tapos mabibigyan ng chance, nagpapaka-primadonna pa. Nagpapaka-diva,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika.
Matatandaang minsan na ring pinag-usapan sa “Showbiz Now Na” noong Marso 2024 ang tungkol sa pagtatanghal ni Jake sa Japan na sa halip na kumanta ay nagbenta raw ng damit.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Jake upang pabulaanan o kumpirmahin ang mga tsika nina Cristy at Romel tungkol sa kaniya.
MAKI-BALITA: 'Isang kanta lang ang nakanta!' Jake Zyrus, nambudol daw sa Japan?