May 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Richard, Sarah naka-move on na raw sa isa't isa!

Richard, Sarah naka-move on na raw sa isa't isa!
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Sarah Lahbati (FB)

Ibinahagi ni “Incognito” star ang kasalukuyang estado ng relasyon niya sa ex-wife niyang si Sarah Lahbati matapos ang kumpirmasyon ng kanilang hiwalayan noong 2024.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Huwebes, Enero 16, sinabi ni Richard na nakapag-move forward na raw silang dalawa sa isa’t isa.

“We are actually through an annulment now. And both parties naman, want to move forward. Actually, at this point nakapag-forward na ‘yong both parties,” lahad ni Richard.

Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport

“May equal time kami with kids. So, parang nagko-co-parenting kami. And ang priority namin is to make sure that the kids live a good life, na happy life,” wika niya.

Dagdag pa niya, “Ang importante sa amin ay ‘yong mga bata. Kung anoman ‘yong dahilan, matagal na panahon na ‘yon. Nakapag-move na kami pareho.”

Samantala, base naman sa sagot ni Richard sa isang bahagi ng panayam tungkol sa real-score nila ni Barbie Imperial, tila nagkakamabutihan sila ngayon ng aktres na matagal nang nali-link sa kaniya.

MAKI-BALITA: Barbie Imperial, hindi 'third party' kina Richard at Sarah