January 21, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Barbie Imperial, hindi 'third party' kina Richard at Sarah

Barbie Imperial, hindi 'third party' kina  Richard at Sarah
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si “Incognito” star Richard Gutierrez tungkol sa real-score nila ni Kapamilya actress Barbie Imperial.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Huwebes, Enero 16, inusisa ni Ogie kung bakit hindi pa rin inaamin nina Richard at Barbie ang ugnayan nila gayong madalas silang makitang magkasama sa mga picture.

“Siguro for now, like gaya nga ng sabi mo, nakikita naman ng mga tao, do’n muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie,” saad ni Richard.

Dagdag pa niya, “Ang gusto ko lang sigurong i-clarify do’n sa mga tao is that si Barbie walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi siya third party, hindi nag-overlap.”

Relasyon at Hiwalayan

Tatay ni Paul Salas, sumama ang loob kay Barbie Imperial

Matatandaang maraming nagsasabi na si Barbie umano ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nina Richard at Sarah.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

“Nakilala ko si Barbie matagal na kaming nagkahiwalay ni Sarah,” giit ni Richard.

Kaya naman daw bilang lalaki, kailangan daw niyang protektahan si Barbie mula sa mga intriga at batikos.