July 21, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Aminado sa financial problem: Mark kay Sachzna, 'Dapat sumuko ka na pero pinili mo pa rin ako!'

Aminado sa financial problem: Mark kay Sachzna, 'Dapat sumuko ka na pero pinili mo pa rin ako!'
Photo courtesy: Mark Pascual (FB)

Matapos kumpirmahin ng social media personality na si Sachzna Laparan ang pagtatapos ng kanilang relasyon, naglabas naman ng emosyonal na mensahe ang kaniyang ex-boyfriend na si Mark Pascual kung saan inamin nito ang patuloy niyang pinagdaraanang problema sa pera at humingi ng paumanhin sa influencer.

Sa isang social media post noong Sabado, Hulyo 6, ibinahagi ni Mark na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ganap na naaayos ang mga obligasyong pinansyal na una niyang inamin dalawang taon na ang nakalilipas.

Ang tinutukoy niya rito, ang pagkatalo niya sa ₱150 million sa crypto futures trading.

Ayon sa kaniya, patuloy pa rin siyang nagsisikap na mabayaran ang mga taong pinagkakautangan niya, kabilang ang ilang investors na umano'y kakilala ni Sachzna.

“Hanggang ngayon hindi ko pa rin totally nababayaran lahat but I'm still paying people kaya sobrang hirap ng situation ko,” saad ni Mark.

Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo sa kasal, sa piling ng mister na si Vincent Co: 'At my happiest!'

Inamin din niyang may mga pagkakataong kinakailangan pa niyang mangutang upang matugunan ang iba pa niyang obligasyon. Gayunman, nilinaw niyang wala siyang intensyong takasan ang kaniyang mga pananagutan at ginagawa niya ang lahat upang maituwid ang kaniyang sitwasyon.

“I have no intentions to run and I am really doing everything I can para maayos ko ito,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagtalakay sa kaniyang mga problema sa pera, naglaan din si Mark ng mensahe para kay Sachzna. Nagpasalamat siya sa influencer dahil sa matagal na pag-unawa at pagtitiis nito sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan bilang magkasintahan.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pag-iintindi at pasensya na ibinigay mo sa akin sa mga oras na dapat sumuko ka na pero pinili mo pa rin ako,” ani Mark.

Humingi rin siya ng tawad dahil sa mga pangakong hindi niya natupad at sa umano’y pagkakadamay ni Sachzna sa mga naging desisyon niya sa buhay.

“Pasensya ka na kung hindi ko napanghawakan mga pangako ko pero sinubukan ko talaga i-survive lahat. Pasensya ka na kung nadrag kita sa mga desisyon ko sa buhay at nadadamay ka sa mga bagay,” pahayag niya.

Matatandaang nauna nang inanunsyo ni Sachzna ang kanilang paghihiwalay, bagay na ikinalungkot ng marami nilang tagasuporta sa social media.

Maki-Balita: Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran