July 23, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran

Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran
Photo Courtesy: Sachzna Laparan (FB)

Inanunsiyo ng social media personality na si Sachzna Laparan ang hiwalayan nila ng boyfriend niyang si Mark Pascual matapos ang tatlong taong pagsasama.

Sa latest Facebook post ni Sachzna nitong Sabado, Hulyo 4, pinasalamatan niya si Mark sa ibinigay nitong pagmamahal sa kaniya.

“Salamat sa 3 years. Sa lahat ng happy memories, sa pag-aalaga mo, at sa pagmamahal na binigay mo sa’kin. Hindi ko ma-dedeny na minahal mo talaga ako nang sobra,” saad ni Sachzna.

Ayon sa kaniya, hindi raw niya makakalimutan kung paano siya inalaagan ni Mark. Mula sa pagpupunas nito ng pawis tuwing may event siya, pagbibigay ng tubig bago matulog, pagmamasahe sa kaniyang paa at likod kapag sumasakit. 

Gayundin, ang araw-araw na pagmamaneho nito sa kaniya kahit gaano pa kahaba ang biyahe.

Relasyon at Hiwalayan

Jelai sa bagong partner ni King Badger: 'Sana ingatan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba'

Dagdag pa ng social media personality, “Thank you sa pag-push sa akin na gawin yung mga bagay na akala ko hindi ko kaya. Napakalaki ng naging impact mo sa pagkatao ko bilang Sachzna. Dahil sa’yo, naranasan ko kung paano pala mahalin nang sobra.”

Ngunit humingi rin si Sachzna ng paumanhin kung kinakailangan niyang sumuko sa kanilang relasyon.

Aniya, “Sorry kung hindi na kita kayang hintayin. Hindi ko na kaya yung mga betrayal at yung pain every time may nalalaman ako.”

Samantala, hindi na raw niya pababayaran pa ang utang ni Mark na ₱50 milyon sa kaniya at sa pamilya niya para makapagsimula ulit ito ng panibagong buhay.

Sabi ni Sachzna, “‘Yong ₱50M na utang mo sa akin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ’yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit.”

“Gusto kong bumangon ka ulit kahit wala na ako sa tabi mo,” dugtong pa niya.

Sa huli, nilinaw ni Sachzna sa mga inutungan ng kaniyang ex-boyfriend na wala siyang napakinabangan maski piso mula rito. 

“Sa mga investors ni Jed at sa mga nagpahiram sa kanya,” anang social media personality, “gusto ko lang linawin na wala akong napakinabangan kahit piso. May mga desisyon siyang ginawa na kahit ako, hindi ko na rin maintindihan at wala akong kaalam-alam.”