July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

13-anyos, bistado sa pagpapakalat ng 'death threat' sa principal at eskwelahan!

13-anyos, bistado sa pagpapakalat ng 'death threat' sa principal at eskwelahan!
Photo courtesy: Unsplash

Natukoy na ng mga awtoridad ang salarin sa isang Facebook post na nagbanta sa seguridad ng isang pampublikong paaralan sa Cebu City.

Ayon sa mga ulat, kinilala ang salarin na isang 13 taong gulang at dating mag-aaral umano sa eskwelahang biniktima niya.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ang death threat ng binatilyo ay pamamaril laban sa mga Grade 7, Grade 8, mga guro at principal ng eskwelahan. Hinala ng pulisya, nag-ugat umano ito sa bullying.

Sa pag-iimbestiga, nagsagawa ng interview ang mga awtoridad sa mga magulang ng salarin at maging ilang concerned representatives sa nasabing insidente. MIsmong ang binatilyo na rin daw ang umamin na siya ang gumawa ng FB post na naglalaman ng death threats.

Ipinakita rin daw ng menor de edad ang Facebook account na ginamit niya sa paggawa ng nasabing post.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Samantala, napagdesisyunan naman ng mga opisyal ng paaralan at maging ng mga guro nito na hindi na magsampa ng kahit anong kaukulang reklamo laban sa salarin at maging sa kaniyang mga magulang.

Nai-turn over na rin ang binatilyo sa City Social Welfare Services para sa assessment at intervention.

Nilinaw din ng mga awtoridad na lumabas sa kanilang imbestigasyon na walang  kaugnayan ang menor edad sa kahit na anong organisadong grupong naglalayong umatake sa mga paaralan.