July 08, 2026

Home BALITA National

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)

Masayang nakiisa si Vice President Sara Duterte sa isang tree planting activity at mga pagdiriwang sa Surigao del Sur nitong Miyerkules, Hulyo 8.

Sa kabila ito ng pagpapatuloy ng impeachment trial laban sa kaniya sa Senado, na nasa ikatlong araw na.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng bise presidente ang kaniyang pagbisita sa Barangay Bigaan sa bayan ng Hinatuan bilang pakikiisa sa ika-18 Araw ng Bigaan at ika-65 Patronal Fiesta ng Mother of Perpetual Help.

Ayon kay Duterte, ikinatuwa niyang makasama ang mga residente sa nasabing pagdiriwang.

"Nagagalak tayo na maimbitahan at makisaya ngayong araw kasama ang ating mga kababayan mula sa Barangay Bigaan, bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, sa mismong selebrasyon ng 18th Araw ng Bigaan at 65th Patronal Fiesta ng Mother of Perpetual Help," aniya.

National

‘I would say that it's a good week for the prosecution!'—House Prosecutor Zamora

Bukod sa pakikilahok sa pista, nakiisa rin ang Pangalawang Pangulo sa isang tree planting activity na isinagawa sa loob ng Bigaan National High School kasama ang ilang kawani ng Department of Education (DepEd).

"Kasabay ng selebrasyon, nakiisa rin tayo sa isinagawang tree planting activity sa loob mismo ng Bigaan National High School, kasama ang ilang mga kawani ng Department of Education," saad niya.

Nagpasalamat din si Duterte sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga residente ng Hinatuan.

"Gikalipay nako nga mahimamat ug personal nga makumusta ang atong mga kaigsuonan sa Hinatuan. Daghang salamat sa inyong imbitasyon ug mainitong pagdawat kanamo," dagdag pa niya.

Magmula nang buksan ang paglilitis noong Lunes, Hulyo 6, ay hindi pa personal na dumadalo si Duterte sa mga pagdinig ng impeachment court.

Gayunman, lumitaw siya sa Senado noong Martes, Hulyo 7, kung saan nakipagpulong siya sa kaniyang mga abogado at ipinakita ang suporta sa kaniyang defense team. Hindi naman siya dumalo sa mismong paglilitis.

Maki-Balita: 'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD

Maki-Balita: Sa gitna ng impeachment trial: VP Sara, dumalo sa isang pistahan

Inirerekomendang balita