Masayang ibinahagi ni “Queen of Soap Opera” Judy Ann “Juday” Santos ang bagong milestone sa kaniyang culinary journey.
Sa isang Instagram story ni Juday noong Lunes, Enero 13, makikita ang larawan ni Juday na nakangiti habang ibinibida ang medalyang nakasabit sa leeg.
“And this happened today. Graduate na ako uli for my Pro-Asian Culinary Studies!!! Yipee! What a way to start 2025! Loving my golds! Thank you Lord!” saad ni Juday sa text caption.
Samantala, sa isang post naman ng “Official Juday PH” na naka-tag sa kaniya, mapapanood ang eksena ng pagsasabit sa kaniya ng medalya sa dinaluhang graduation ceremony.
Umani ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Naka gold ka na naman madam! HAHA!"
"Biggest Congratulations "
ANG AMING QUEEN MAY KORONA NA MAY MEDAL PA
"Iba ka juday! Kapapanuod ko plang ulit ng Espantaho sa gateway mall last full show. Puno ang sinehan! "
"Congratulations Judy Ann Santos!! You’re the BEST!!"
"Congratulations@officialjuday we are so proud TeamJuday fan herechief judy Ann"
Matatandaang nagbukas si Juday kasama ang mister niyang si Ryan Agoncillo ng restaurant na “Angrydobo” noong 2019.