Inanunsiyo ng global event organizer na Tonz Entertainment ang pagbabalik ng Korean Star na si Lee Min Ho sa Pilipinas ngayong 2025.
Sa latest Instagram post ng Tonz Entertainment nitong Martes, Enero 13, makikita ang poster kung saan nakalagay ang ilang bansang pupuntahan ni Lee.
“LEE MINHO ASIA FAN MEETING TOUR ’MINHOVERSE‘“ saad sa caption.
Bukod sa Manila, dadayo rin ang Korean Star sa Seoul, Bangkok, Macau, Taipei, Jakarta, at Tokyo.
Humakot ang nasabing post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga fanney. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"We can wait!! "
"Singapore please "
"Woww Im ready "
"Japan~- ̗̀ ̖́-I can't wait to see you"
"Thank you,Taipei "
"See u in jakarta"
"SEE YOU LOVE!!!! "
"I am so excited!! Please! Next Time a Global one… bring him to Mexico "
"Cant wait to see you here"
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang detalye kung kailan magsisimula ang fan meet ni Lee sa ilang bansa sa Asya.
Matatandaang si Lee ay gumanap sa mga patok na teleserye tulad ng “Boys Over Flowers,” “Legend Of The Blue Sea,” “City Hunter,” at marami pang iba.